PAUNAWA: Malugod pong ipinababatid na simula sa ika-1 ng Setyembre 2011 ay ipinatutupad na po ang kautusang Bayan Blg. 06 Taon 2011 kautusang nangangalaga sa kalikasan at nagreregula ng paggamit at pagbebenta ng mga plastic bag, selopin, at styrofoam o mga bagay na di-nabubulok na ginagamit bilang balutan ng mga pinamili at ipinagbibiling materyales sa bayan ng Santa Cruz, Laguna at nagpapataw ng kaukulang kaparusahan sa paglabag dito.



